Tuesday, March 13, 2012

Iilang araw nalang..

13 March 2012, Tuesday
Malapit na kaming grumaduate. Well, syempre iilang araw nalang. Bukas na nga ang last day ng final exams, eh. Lahat nalulungkot, emotional, excited, natutuwa-- mixed emotions for short. Halu-halo pala ang madarama mo, pag graduating ka na. Medyo magulo. Hahahaha.
Eto yung tulang gawa ng kaklaseng kaibigan kong si, Loulou. :)

--------------------

-- SAN JOSE <3 <3 <3 ~
Nalalapit na ang aking pagtatapos sa mataas na paaralan,
Isang kabanata ng aking buhay na hindi ko malilimutan.
Pinaghalo-halong pagod, takot, lungkot, at kasiyahan,
Lahat ng mga 'yan, dito ko naranasan.

Iba't ibang tao ang aking nakasalamuha,
Iba't ibang muka nila ay aking nakita.
May mga taong aking naging kasangga
At mayron rin namang aking nakabangga.

Sa loob ng apat na taon na 'to,
Masasabi kong ako'y natuto
Na hindi lahat ng tao sa mundo
Ay ibabalik ang ngiti ko.

Pero sa aking ika-apat na taon,
Napunta 'ko sa da best na seksyon. :)
Magkakaiba man ang aming mga ugali,
May pagkakaibigan naman kaming hindi mababali.

At ngayong napipinto na ang aming pag-alis,
Bakit nga ba ang oras ay tila kay bilis?
Ako'y siguradong 'di namin matitiis
Na ang pangkat ng San Jose ay ma-miss.

Sa aking mga kapatid at kay naynay
Na sa high school life ko ay nagbigay kulay,
Kailangan man nating sa isa't isa'y mawalay,
Maaalala ko naman kayo habambuhay. :)

"May iwanan, pero walang kalimutan.
Walang forever, pero may for a lifetime."

- LouLou <3

---------------------
Maraming salamat, Loulou. :)
SAN JOSE. <3


Unity~!

No comments:

Post a Comment