Sunday, September 16, 2012

Worst part of being a writer..





So true! Haha. This usually happens to me when I'm writing a new story or poem. It's like all my ideas get randomly jumbled, and I don't know where to start. Or when I don't know how to start in writing about how I feel, or about a certain topic. ^^v

Jumbled words. Lol. >___________<


Photo credits to owner! :)

For writers and for readers.. :)


Applicable to writers and to readers. Haha! If you read or write something you'll surely get this. :)

Photo credits to the owner! :)

Digimon, it's Digimon


It's Digimon alright. :))
I really laughed upon seeing this picture!
What a troll. Comment win! :D

Photo credits to the owner!! :)

Saturday, September 15, 2012

Sleeping With Sirens rock!



SLEEPING WITH SIRENS ROCK! :)
Omg. I can't believe that I immediately fell inlove with their band!! ^^v
I am now one of their fans! YEAH!



"They say that love is forever
Your forever is all that I need
Please stay as long as you need
Can’t promise that things won’t be broken
But I swear that I will never leave
Please stay forever with me"
— If I'm James Dean, You're Audrey Hepburn by SWS

I LOVE SWS! I'll always be a fan. \mm/ <3


Photo and gif credits to owner! :)

Tumblr plug! JEZZ!

TUMBLR PLUG: thesickestlady


So, ako lang talaga ang naka-isip na iplug tong Tumblr account ni Jezz.
Si Jezz, friend ko yan. Ka-tweet ko yan madalas sa Twitter.
Magkavibes din kami sa pagdudoodle, at sa mga bandang pinapakinggan, kaya naging kavibes ko sya kagad.
Kahit na magkaiba kami ng course, friends kami, at syempre pareho kami ng school. ^^v
Ang gaganda kasi ng mga posts nya sa Tumblr, so naisip kong ipost dito sa blog. :)

--Si Jezz. HAHA! :D
Credits sa kanya! Nakuha ko lang din to dun sa Tumblr account nya.
Eto yung link nung Tumblr account nya:
http://thesickestlady.tumblr.com/

Ang tambay ko dyan. Ang hilig ko magback read ng mga posts nya!! :D

Mostly yung mga gifs ko, sa Tumblr account din nya galing. So, ayun kung may time kayo sana bisitahin nyo rin. Haha! Baka maging tambay din kayo! :)

Hi Jezz! Wala lang, pinlug lang kita! >:D<

-Haku

Oppa Gangnam Style!



OPPA GANGNAM STYLE! :))
I want to learn their dance steps. Haha!
The music video's so hilarious! And it's like a wild frenzy with this popular Korean song. Some people have already made their own video version of this song. :)
Here's the link to the music video:
http://www.youtube.com/watch?v=9bZkp7q19f0



It also has an emoticon (I guess? xD) made by someone. Credits to you! :D
(O) Eeeeyyyy sexy laaaaaadyyyy

( ̄ー ̄ヘ) Op

(
ノ ̄ー ̄) Op

(
〜 ̄▽ ̄) Op

( ̄△ ̄〜) Op

(
☞゚∀゚) Oppa Gangnam Style!

Friday, September 14, 2012

That feeling..





Yung feeling na may nagsabing nagustuhan nila yung blog mo. Yieeee! Salamat po! Nice nice!! Hahahaha. Magcomment po kayo, or itweet nyo. I'd like to hear more from you, guys! Di po ako snob. Hahahaha! Thanks!! :)

“I Hope This Is The Right Time” - CHAPTER 1: Return




[Author's note: Story is purely fictional. All events, names, etc are purely fictional. Some names of the characters are suggested. ^^v]


“I Hope This Is The Right Time”



CHARACTERS:
Jasmine Ramos
Martin Reyes
Erica Vinluan
Carl Dizon

James “Pot” Ramos
Eva Franco

Patrice
Nikko
Jan

Jonathan Caacbay
Francesca Santos
Camille Flores
Alvin Yu


----------


“I Hope This Is The Right Time”

Unexpected: Madalas di natin alam na darating o mawawala. Ito ay ang mga bagay na di natin inaasahan.

May mga bagay din sa mundong ito na akala mo para sayo na talaga. Minsan sayo talaga binigay ni God. Madalas akala mong bigay lang sayo ni God, pero di pala. Yung tipong dumating lang sya sa buhay mo, pero dip ala sya para sayo. Pero pano pag para sayo talaga yun, pero may tamang panahon lang?

Kelan ba ang tamang panahong iyon?
Matagal pa ba yun? 



CHAPTER 1: Return.


[FLASHBACK:]
“Ahh. So matagal ka pang babalik?”, tanong ko sa kanya. Uwian na nun. Kami nalang ang mga tao sa play ground.

Pinipigil ko ang luha ko. Sa totoo lang nasasaktan ako. Ako kasi yung pinakahuling nakaalam. Yung tipong yung mga kaklase naming di naman ganun ka-close, sila pa yung unang nakaalam. Pati yung mga teacher namin. Kinontyaba nya para di ko malaman kagad. Bakit?

Gusto kong magalit sa kanya. Mainis. Pero di ko magawa. Di ko rin alam kung bakit. Kasi aalis na sya? Kasi akong huling nakaalam? Di ko alam. Pero aalis na sya, e. Ano pang magagawa ko, diba? Hayyy. Buti na rin nalaman ko, diba? Think positive. Think positive.

“Yep.”, ang ikli ng sagot nya.
“E, kelan ka pa babalik?”
“After 2 or 3 years ata.”
“Ah.”, yun nalang ang sinabi ko. Parang ayaw naman nya ko maka-usap, e.
Hayyyy.
“Galit ka ba? Sorry, ah?”, tanong nya saken.
“Hindi. Okay lang yun. Ano ka ba. Hahahaha. Syempre, nagulat lang ako at sana kasi sinabi mo rin saken. Di yung ako pa huling nakaalam.”, medyo nagtatampong sagot ko sa kanya.

Di sya sumagot kagad. Nakakabinging katahimikan..

“Sorry, Asmin.”, sya na ang bumasag sa katahimikang nabubuo samin. Tapos bigla nya kong niyakap. Napayakap na rin ako sa kanya.

Inaamin kong medyo kinilig ako, pero mas umibabaw ang pagiging malungkot ko. Bat pa kasi nya kailangang umalis? Okay naman ako na mahal ko sya mula sa malayo. Pero bat pa nya kailangang umalis? Bat pa kailangang umalis ng best friend ko? Hayyy.

“Sorry saan? Kasi aalis ka na? Haha. Okay lang yun, no. Kaw naman.”

Kahit di talaga okay. Okay nalang. Hayyy.

“Babalik din naman ako, e. Promise.”, bulong nya sakin.
“Promise?”, naluluha kong sinabi sa kanya habang magkayakap pa rin kami.
“Promise.”

Di ko alam kung bakit sya nagpromise na babalik sya. Siguro dahil best friend nya ko? Di ko alam. Siguro masyado ko lang inoover think ang mga pangyayari ngayon. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko. Siguro dahil umaasa ako na sana pag bumalik sya, ay wala syang gf. Na sana wala syang mahanap dun sa California.

Na sana nakikita nya ko kung pano ko sya nakikita. Na sana nakakaramdam sya ng mga bagay na nararamdaman ko para sa kanya, para sakin. Umaasa pa rin ako. Di ko lang alam kung bakit. Siguro kasi nasanay na ko na may something ako sa kanya? Kaso best friendzoned na talaga ata ako. Pero buti nalang nung umamin ako sa kanya, walang nagbago.
Hayy. Ewan. Ayoko na munang mag-isip. Basta..
Basta hihintayin kita.

[END OF FLASHBACK]


[BACK TO PRESENT:]

“Yeyyy! Nagkatuluyan din sila!” :”) Shet kilig na naman.

Kakatapos ko lang magbasa ng mga love story sa internet. Whaaaa. Grabe nag-aadik na naman ako. Nasimulan kasi to dun sa “She’s Dating The Gangster”, e. Haha! Kung di lang yun sinuggest sakin ng best friend ko, di ako maaadik sa mga ganito, e.

“Jassss! Kakain na!”, sigaw sakin ni mama galing sa baba.

Tiningnan ko kung anong oras na. WOW. 7:45 pm na pala? Nagsimula kong buksan tong laptop ko, at magkulong dito sa loob ng kwarto ko nung mga after lunch. 1pm. WOW. Ako na adik magbasa ng kung anu-ano sa internet! Lalo na sa creative corner sa candymag.com, mga blogs, at sa wattpad. Syempreee!

Nagsuklay muna ko, at pinalo-palo ang mukha ko ng konti. Parang bangag ako. Wow. Nakaharap lang sa computer almost the whole day. Hahahaha. Kaloka!
Oh, well. Sembreak naman, e. Pati pagkatapos talaga ng mga nakakalokang pangyayari sakin nitong sem na to.

Bumaba na ko, para umupo dun sa spot ko.
“Jassss!”, niyakap ako ni Ate Patrice. Nabigla naman ako.
“Hi Ate Patty!”
“Ang laki mo na!”
“Ahe. Parang di naman po tayo nagkita nung isang buwan.” ^^v
“Oo nga, ano? Haha!”

Pinagmasdan ko yung mga tao sa sala. Andito pala yung girlfriend ni kuya, si Ate Eva. Pati yung mga kaibigan ni Kuya Pot nung hs sila. Sina Ate Patrice, Kuya Nikko, at si Kuya Jan. Magkakabarkada kasi sila nung hs. Hanggang ngayong graduate na sila ng college. Nakakahiya naman ako. Eekkk! Bat di sakin sinabi na andito pala yung gf at mga kaibigan ni kuya? Di pa ko naliligo. >_____<

“Ate, kamusta na po kayo?”
Umupo si Ate Patty sa upuan malapit saken. Patrice ang name nya. Patty lang ang nickname nya. ^^
“Okay naman. Ikaw? Ngayon lang kita nakita, ah. San ka galing?”
“Ano po. Nasa taas lang ako. Nagbabasa. Hehe. Di ko po napansin na andito na pala kayo.”
“Pupuntahan ka dapat naming ni Eva sa kwarto mo kanina pa dapat, e. Kaso parang wala ka naman sa taas. Ang tahimik mo!”
“Ah. Ganun po ba? Hehe. Pasensya na po.”
“Haha. Sorry ka pa rin ng sorry. Okay lang yuuun! TABAAAAA!”, sabay pinisil nya yung dalawa kong pisngi. Kyaaaa~  >_____<

Pumunta na rin sina mama, si kuya, yung gf ni kuya, at yung mga kaibigan nya sa lamesa. Nagdasal kami, at kumain na. Nagkwentuhan sila. Syempre ako, medyo kasali lang. Parang saling kitkit? O saling pusa. Kyaaaa. Oh, well.

Ako na yung nagligpit ng mga pinagkainan after. Ako na rin yung naghugas. Sabi ni Ate Patty, tutulungan nya ko. Pero sabi ko wag na. Kaya ayun, pumunta na sya sa sala, kasi magmomovie marathon sina kuya. Mag-iinuman din ata sila mamaya.
Si mama naman nagpalit ng damit, nagbilin samin ni kuya, at maya-maya pa ay umalis sya. Pupuntahan nya raw si papa. Magkikita sila ng mga friends nila, at dun na rin ata sila mag-oovernight kina Tita Rina. Magkikita-kita ata silang mga college friends. Buti binigyan nya ko ng pera. Hahahahaha. I’ve been a good girl! ^^v

Pagkatapos ko maghugas, magwalis, pakainin yung aso at pusa, punasan yung mga placemat, ay umakyat na ko. Kinuha ko muna yung jug ko at nilagyan to ng yelo at ng tubig. Kumuha rin ako ng dalawang pack ng iced tea, tas tig-isang pack ng Nova, cookies, Piattos, at gummy bears.
Okay ang takaw ko na! Ehhh.

Pagkadating ko sa kwarto. Nilapag ko na lahat ng pagkain ko sa desk ko. Tas humiga ako sa kama. Ano kaya gagawin ko? Hmm. Tinatamad naman akong mag-online. Kasi kanina pa ko sa harap ng laptop. Ayoko naman manuod ng tv. Ayoko rin naman kumain ng mag-isa. Hmm.
What to do?
What to do?
I’m bored. >_______<

*ring ring*
Isang unknown number.
*Calling +63927 XXXX X67*

“Hello?”, sinagot ko ang cellphone ko.
“Musta ka na?”, sabi sakin ng isang lalaki.
“Ha? Sino to?”, nagulat naman ako sa caller na to! Di ko nga sya kilala tapos kinakamusta ako? O___O
“Grabe ka naming Jass. Di mo na ko naaalala? Aww.”, sabi nya. Parang nagtatampo pa sya ng konti kasi di ko sya maalala.

Parang familiar yung boses nya. Pero di ko talaga maalala. Buti sana kung magpakita sya, e. Mas maaalalahanin ako sa mukha. Di sa pangalan. At lalo naman sa boses.

“Sino ba kasi to?”, naiinis kong tanong.
“Di mo na talaga naaalala?”
“Magtatanong ba ko kung naaalala kita?”, pagtataray ko sa kanya.

ERR. Nakaka-inis na sya, ah. Nagpapaawa pa yung boses nya. E, sa di ko talaga sya kilala, e.
“Pst, Asmin.”
Nagpst sya saken. Tapos tinawag pa nya kong “Asmin”. O____________O
OMG! Di kaya? Di kaya? Di kaya sya si?? O________O Oh, gosh.
“M-M-Mar- Martin?”, nauutal kong sabi.
“Boom.”

“Martin!! Sira ulo ka talaga!!”, yun nalang ang nasabi ko sa kanya. Err. Si Martin!! Sya pala. Nako. Kelan pa sya nakabalik??!
Tawa lang sya ng tawa. Hmpp!

“Nakakaasar ka! Di mo lang man kami sinabihang nakabalik ka na. Tas mantitrip ka pa.”, sermon ko sa kanya.
“E, eto naman. Binibiro ka lang, e. Musta na ba?”
“Hayyyy. Eto okay lang. Kaw? Oy, yung pasalubong kong panda?”
“Eto okay lang din! Hahahaha! Neh. Wala. Hahahaha.”
“Daya naman nito.”
“Haha. Joke lang! Uyy. Pwede pumunta kami ni Erica at Carl dyan?”
“Ngayon?” O________O
“Oo. O kaya uuwi nalang kami.”

Binuksan ko ang bintana ko, at dumungaw. Andun silang tatlo. Si Erica. Si Carl. At syempre si Martin. Kumaway sila sakin. Kumaway din ako. Bumaba ako para puntahan sila, at papasukin. Pinakilala ko rin sila kina kuya, at umakyat kami sa kwarto ko. Ang daldal nilang tatlo.

Thump. Thump. Thump. Ang tibok ng puso ko. Bumibilis..
Parang dati lang.
Thump. Thump. Thump. Thump.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla. Naalala ko na naman ang mga nangyari nung high school kami..

-END OF CHAPTER ONE-


 -END OF CHAPTER 1- #IHTITRT
[a/n] Comments? Suggestions? Feed backs? Negative reactions? Please tweet me on Twitter, or comment. ^^v Thank you! Happy reading! :)

I miss you in another way..






You don't know the way I miss you.
The way I miss my family. 
The way I miss friends. 
The way I miss everyone and everything right now.

[Photo credits to owner]

Thursday, September 13, 2012

Panda. Panda.

Pandas are cute! :3

On missing one of my dearest families..



I miss them! That's why I've posted our picture here on my blog. I think this was during our last final examinations. Gahhh. :((

Dear crush..




Yung feeling pag sobrang crush mo yung tao.. :)

[Photo credits to owner]

Mga lalaki nga naman oo. (credits to owner)

Mga lalaki nga naman oo. (credits to owner)

**NOTE: I do not own any of this. Credits to owner. :) I just liked it, and so I posted it here in my blog. Pictures are pictures of my friends that were taken by me. HAHAHAHA!




Ang Mga Lalake Nga Naman Oo
Oct 5, '09
10:25 AM
for everyone

**ehem! this a a response to my previous post. haha! kala nyo guys lng may pambanat? xempre meron dn girls. duh! haha** 


Kapag ngumiti ka na ng konti, nag-ayos ng konti pagkakamalan ka nang malandi. Hindi pangseryosohang relasyon. Marinig lang nila na malakas kang mag! sa! lita, palengkera ka na. T.O. kagad sa kanila iyon. Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit, kulang nalang makita na kaluluwa. Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan dapat disente, dapat mala-anghel ang mukha, dapat mukhang inosente. Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?


Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake. Dapat pakipot ka para suyuin ka,para habulin ka pa lalo.

Kapag hindi ka naman nagpakipot "easy to get" naman ang tingin sa iyo.

Hindi ka na seseryosohin. Sino bang may sabing magpaalila kayo, di naman namin hawak ang buhay niyo. Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh. Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo, babaliktad na ang sitwasyon kami naman ang mamromroblema. Para lang kayong may gustong bilhin na bagay. Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis. Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi. !

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo."

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun. Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa. Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya. Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando, aba, masasakal naman. Sasabihin pa sa iyo

"demanding" ka.Meron ka pang maririnig na

"I think we need space"

at kung anu-ano pang ek-ek. Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait, maging devoted at faithful? Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.

Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin

Kapag kayo gumawa noon, ok lang. Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon. Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo atmagpapakamadre nalang. Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin? Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin. Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon.

Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita ! sa amin na mahal niyo kami.

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin. Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad. Mas maaga nga kaming magmature sa inyo. Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group. Mas mataas pa nga kung minsan ang pagbawas ng level of maturity. Kayo na ang mag-math. Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo. Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan. Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon?

Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo, pero hindi ka pa rin papansinin. Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.


Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita? Mas iba kaming magmahal. Mas masarap..

Kapag natapos na ang lambingan, eh di siyempre iwanan blues na.Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang. Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago, sino ba ang mayabang, sino ba ang nagmamalaki? Kami ba? Kami ang walang choice.

Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo" lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.

Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan. Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek. Umiyak ka ng bato.Wa-epek. Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa?

Post-break up, mahal pa ng babae si lalaki. Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.

Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.

Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila. Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya. Sala sa init sala sa lamig talaga.

Ano ba namang buhay to? Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang. Lagi rin kaming naiiwan sa ere. In-love din kami.

Ang mga lalake talaga, oo.

---> chever, tamaan ang tamaan. nyahahaha XD




--END--

Mga babae nga naman oo. (credits to owner)

Mga babae nga naman oo. (credits to owner)




**NOTE: I do not own any of this. Credits to owner. :) I just liked it, and so I posted it here in my blog. Pictures are pictures of my friends, that were taken by me. HAHAHA!



Ang Mga Babae Nga Naman Oo
Oct 5, '09
10:20 AM
for everyone

**wag na kumontra, wag na kayo mag isip bat ko pinost to. haha! bt ba?! la ko mgawa eh"

Usapang lalake.pagkabasa mo nito you'll just laugh pare dahil alam mong it's the truth man, angal patay!

*gabi. usapang lalake* *sindi ng yosi* *hithit* *buga* 

Musta na, pare? Ako, okay lang. Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip. Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan. Ewan ko ba. 

*hinga ng malalim* 

Bakit ba ganun pare, ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit 'sang anggulo mo tingnan, hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal. 

*tingin sa stars* 

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal? E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya? Ang feeling ng masaktan pag nabasted? Malamang-lamang siguro, hindi ano. Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e. Ang alam lang ata nila e mamili, manakit, at magsaya. Tingin mo? 

*tingin sa malayo*

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap. Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun, kung ano pang diskarte ang gagawin n aten para masabi naten sa kanila na mahal natin sila. Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba? Tapos liligawan pa naten. Patutunayan na mahal nga sila. Susuyuin to-the-max. Maghahatid sa bahay, tutulungan, sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan, lahat na. Kulang na lang e pagsilbihan mo nang walang sahod. At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila. Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila. Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip, isang malaking HINDE ang makukuha naten, kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo. Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan. Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo. Hindi nila alam kung mahal mo sila. Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling , at minsan, luhaan. Wala tayong magagawa, marami silang alibi. "Hindi pa 'ko ready eh..", "Sorry pero I think we should just be friends..", "Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha.." "Better luck next time na lang muna, okay lang?", "Give me a decade. Pag-iisipan ko muna..", "Para lang kitang kapatid e..", yaddah yaddah. Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa 'yon para saten. 

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* 

At hindi lang 'yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon. Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle. Tayo daw ang mga lalake kaya tayo ang hahawak ng relasyon. Tayo ang aayos kung may gulo; tayo ang dapat magpapakabait; tayo ang magtatyaga; tayo ang magiging devoted at faithful; tayo, tayo tayo. Sila? Ummm? Teka, isi pin ko. Ayun. Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet; sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts; sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano; sila ang magbabawal; sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave, kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila, kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila, at kung kelan ka korni. Ewan. Ganun ata talaga. 

*kuha ng bote ng beer* *lagok* *lunok* 

Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon. Pag maganda, edi okay. Pag may problema, kasalanan naten. Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo. Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun. 

*hinga ng malalim* 

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila. Alam mo yun, iba tayo magmahal e. Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso. At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan. Mas mature. Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa. Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal. 

*hinga ng malalim* *tingin sa malayo ulit* 

At ito pa ang pinakamasaklap. 

*singhot* 

Ang ending ng relasyon. Sa mga panahong 'to, either sawa na sila, hindi na tayo trip, may nahanap na silang better saten, o kaya they need f*cking space and time muna. Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod. At ano pa ang kasamang hassle don? Syempre wasak na ang imahe naten. Tayo ang lalabas na may kasalanan. Na playboy. Na nagpapaiyak. 

*iiling* 

Tayo siyempre ang mga antagonist at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak. Ang ending: mag-ooffer sila ng "friendship" kuno matapos tayong pagsawaan, lahat ng gifts naten nasa kanila, sawi tayo sa pag-ibig, "player" na ang image naten, at higit sa lahat, mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay. Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog. Haay buhay. Ang hirap maging lalake. Lagi ka na lang naiiwan sa ere. Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no? Ako, kamusta? Eto. Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok-lagok ng alak. Ang mga babae talaga, oo.


---> tamaan na ang tamaan, hahaha!!!!


--END--

Wednesday, September 12, 2012

Altair



"Altair"


by Yukio-kun


Summer days of misery,
Time is passing by.
I think about the days that we had,
Always! I won't be changed.

I couldn't say anything; a word,
Skills are improving; sophisticated.
You ---- who was having fun,
Watching your game and I'm your fan.

This is what they call being in-love.
Come back to my life;
Once in a while, you're in my dreams,
Just like your memories.

I saw the brightest star, Altair.
I accidentally think of her;
Slowly I've been falled to your smiles,
I'm stuck staring at you many times.



---------


Note: This poem is the first poem that I will post, that is written by my friend, colleague and associate, Yukio-kun. His posts, will now be featured in this blog. He agreed to cooperate with me in writing and in posting here. I hope you guys like this poem. ^^v
Happy reading!!