[Author's note: Story is purely fictional. All events, names, etc are purely fictional. Some names of the characters are suggested. ^^v]
CHARACTERS:
Jasmine Ramos
Martin Reyes
Erica Vinluan
Carl Dizon
James “Pot” Ramos
Eva Franco
Patrice
Nikko
Jan
Jonathan Caacbay
Francesca Santos
Camille Flores
Alvin Yu
----------
“I Hope This Is The Right Time”
Unexpected: Madalas di natin alam na darating o mawawala.
Ito ay ang mga bagay na di natin inaasahan.
May mga bagay din sa mundong ito na akala mo para sayo na
talaga. Minsan sayo talaga binigay ni God. Madalas akala mong bigay lang sayo
ni God, pero di pala. Yung tipong dumating lang sya sa buhay mo, pero dip ala
sya para sayo. Pero pano pag para sayo talaga yun, pero may tamang panahon
lang?
Kelan ba ang tamang panahong iyon?
CHAPTER 1: Return.
[FLASHBACK:]
“Ahh. So matagal ka pang babalik?”, tanong ko sa kanya.
Uwian na nun. Kami nalang ang mga tao sa play ground.
Pinipigil ko ang luha ko. Sa totoo lang nasasaktan ako. Ako
kasi yung pinakahuling nakaalam. Yung tipong yung mga kaklase naming di naman
ganun ka-close, sila pa yung unang nakaalam. Pati yung mga teacher namin.
Kinontyaba nya para di ko malaman kagad. Bakit?
Gusto kong magalit sa kanya. Mainis. Pero di ko magawa. Di
ko rin alam kung bakit. Kasi aalis na sya? Kasi akong huling nakaalam? Di ko
alam. Pero aalis na sya, e. Ano pang magagawa ko, diba? Hayyy. Buti na rin
nalaman ko, diba? Think positive. Think positive.
“Yep.”, ang ikli ng sagot nya.
“E, kelan ka pa babalik?”
“After 2 or 3 years ata.”
“Ah.”, yun nalang ang sinabi ko. Parang ayaw naman nya ko
maka-usap, e.
Hayyyy.
“Galit ka ba? Sorry, ah?”, tanong nya saken.
“Hindi. Okay lang yun. Ano ka ba. Hahahaha. Syempre, nagulat
lang ako at sana kasi sinabi mo rin saken. Di yung ako pa huling nakaalam.”,
medyo nagtatampong sagot ko sa kanya.
Di sya sumagot kagad. Nakakabinging katahimikan..
“Sorry, Asmin.”, sya na ang bumasag sa katahimikang nabubuo
samin. Tapos bigla nya kong niyakap. Napayakap na rin ako sa kanya.
Inaamin kong medyo kinilig ako, pero mas umibabaw ang
pagiging malungkot ko. Bat pa kasi nya kailangang umalis? Okay naman ako na
mahal ko sya mula sa malayo. Pero bat pa nya kailangang umalis? Bat pa
kailangang umalis ng best friend ko? Hayyy.
“Sorry saan? Kasi aalis ka na? Haha. Okay lang yun, no. Kaw
naman.”
Kahit di talaga okay. Okay nalang. Hayyy.
“Babalik din naman ako, e. Promise.”, bulong nya sakin.
“Promise?”, naluluha kong sinabi sa kanya habang magkayakap
pa rin kami.
“Promise.”
Di ko alam kung bakit sya nagpromise na babalik sya. Siguro
dahil best friend nya ko? Di ko alam. Siguro masyado ko lang inoover think ang
mga pangyayari ngayon. Naghalo-halo na ang mga nararamdaman ko. Siguro dahil
umaasa ako na sana pag bumalik sya, ay wala syang gf. Na sana wala syang
mahanap dun sa California.
Na sana nakikita nya ko kung pano ko sya nakikita. Na sana
nakakaramdam sya ng mga bagay na nararamdaman ko para sa kanya, para sakin.
Umaasa pa rin ako. Di ko lang alam kung bakit. Siguro kasi nasanay na ko na may
something ako sa kanya? Kaso best friendzoned na talaga ata ako. Pero buti
nalang nung umamin ako sa kanya, walang nagbago.
Hayy. Ewan. Ayoko na munang mag-isip. Basta..
Basta hihintayin kita.
[END OF FLASHBACK]
[BACK TO PRESENT:]
“Yeyyy! Nagkatuluyan din sila!” :”) Shet kilig na naman.
Kakatapos ko lang magbasa ng mga love story sa internet.
Whaaaa. Grabe nag-aadik na naman ako. Nasimulan kasi to dun sa “She’s Dating
The Gangster”, e. Haha! Kung di lang yun sinuggest sakin ng best friend ko, di
ako maaadik sa mga ganito, e.
“Jassss! Kakain na!”, sigaw sakin ni mama galing sa baba.
Tiningnan ko kung anong oras na. WOW. 7:45 pm na pala?
Nagsimula kong buksan tong laptop ko, at magkulong dito sa loob ng kwarto ko
nung mga after lunch. 1pm. WOW. Ako na adik magbasa ng kung anu-ano sa internet!
Lalo na sa creative corner sa candymag.com, mga blogs, at sa wattpad.
Syempreee!
Nagsuklay muna ko, at pinalo-palo ang mukha ko ng konti.
Parang bangag ako. Wow. Nakaharap lang sa computer almost the whole day.
Hahahaha. Kaloka!
Oh, well. Sembreak naman, e. Pati pagkatapos talaga ng mga
nakakalokang pangyayari sakin nitong sem na to.
Bumaba na ko, para umupo dun sa spot ko.
“Jassss!”, niyakap ako ni Ate Patrice. Nabigla naman ako.
“Hi Ate Patty!”
“Ang laki mo na!”
“Ahe. Parang di naman po tayo nagkita nung isang buwan.” ^^v
“Oo nga, ano? Haha!”
Pinagmasdan ko yung mga tao sa sala. Andito pala yung girlfriend
ni kuya, si Ate Eva. Pati yung mga kaibigan ni Kuya Pot nung hs sila. Sina Ate Patrice,
Kuya Nikko, at si Kuya Jan. Magkakabarkada kasi sila nung hs. Hanggang ngayong
graduate na sila ng college. Nakakahiya naman ako. Eekkk! Bat di sakin sinabi
na andito pala yung gf at mga kaibigan ni kuya? Di pa ko naliligo.
>_____<
“Ate, kamusta na po kayo?”
Umupo si Ate Patty sa upuan malapit saken. Patrice ang name
nya. Patty lang ang nickname nya. ^^
“Okay naman. Ikaw? Ngayon lang kita nakita, ah. San ka
galing?”
“Ano po. Nasa taas lang ako. Nagbabasa. Hehe. Di ko po napansin
na andito na pala kayo.”
“Pupuntahan ka dapat naming ni Eva sa kwarto mo kanina pa
dapat, e. Kaso parang wala ka naman sa taas. Ang tahimik mo!”
“Ah. Ganun po ba? Hehe. Pasensya na po.”
“Haha. Sorry ka pa rin ng sorry. Okay lang yuuun! TABAAAAA!”,
sabay pinisil nya yung dalawa kong pisngi. Kyaaaa~ >_____<
Pumunta na rin sina mama, si kuya, yung gf ni kuya, at yung
mga kaibigan nya sa lamesa. Nagdasal kami, at kumain na. Nagkwentuhan sila.
Syempre ako, medyo kasali lang. Parang saling kitkit? O saling pusa. Kyaaaa.
Oh, well.
Ako na yung nagligpit ng mga pinagkainan after. Ako na rin
yung naghugas. Sabi ni Ate Patty, tutulungan nya ko. Pero sabi ko wag na. Kaya
ayun, pumunta na sya sa sala, kasi magmomovie marathon sina kuya. Mag-iinuman
din ata sila mamaya.
Si mama naman nagpalit ng damit, nagbilin samin ni kuya, at
maya-maya pa ay umalis sya. Pupuntahan nya raw si papa. Magkikita sila ng mga
friends nila, at dun na rin ata sila mag-oovernight kina Tita Rina.
Magkikita-kita ata silang mga college friends. Buti binigyan nya ko ng pera.
Hahahahaha. I’ve been a good girl! ^^v
Pagkatapos ko maghugas, magwalis, pakainin yung aso at pusa,
punasan yung mga placemat, ay umakyat na ko. Kinuha ko muna yung jug ko at
nilagyan to ng yelo at ng tubig. Kumuha rin ako ng dalawang pack ng iced tea, tas
tig-isang pack ng Nova, cookies, Piattos, at gummy bears.
Okay ang takaw ko na! Ehhh.
Pagkadating ko sa kwarto. Nilapag ko na lahat ng pagkain ko
sa desk ko. Tas humiga ako sa kama. Ano kaya gagawin ko? Hmm. Tinatamad naman
akong mag-online. Kasi kanina pa ko sa harap ng laptop. Ayoko naman manuod ng
tv. Ayoko rin naman kumain ng mag-isa. Hmm.
What to do?
What to do?
What to do?
I’m bored. >_______<
*ring ring*
Isang unknown number.
*Calling +63927 XXXX
X67*
“Hello?”, sinagot ko ang cellphone ko.
“Musta ka na?”, sabi sakin ng isang lalaki.
“Ha? Sino to?”, nagulat naman ako sa caller na to! Di ko nga
sya kilala tapos kinakamusta ako? O___O
“Grabe ka naming Jass. Di mo na ko naaalala? Aww.”, sabi
nya. Parang nagtatampo pa sya ng konti kasi di ko sya maalala.
Parang familiar yung boses nya. Pero di ko talaga maalala.
Buti sana kung magpakita sya, e. Mas maaalalahanin ako sa mukha. Di sa
pangalan. At lalo naman sa boses.
“Sino ba kasi to?”, naiinis kong tanong.
“Di mo na talaga naaalala?”
“Magtatanong ba ko kung naaalala kita?”, pagtataray ko sa
kanya.
ERR. Nakaka-inis na sya, ah. Nagpapaawa pa yung boses nya.
E, sa di ko talaga sya kilala, e.
“Pst, Asmin.”
Nagpst sya saken. Tapos tinawag pa nya kong “Asmin”. O____________O
OMG! Di kaya? Di kaya? Di kaya sya si?? O________O Oh, gosh.
“M-M-Mar- Martin?”, nauutal kong sabi.
“Boom.”
“Martin!! Sira ulo ka talaga!!”, yun nalang ang nasabi ko sa
kanya. Err. Si Martin!! Sya pala. Nako. Kelan pa sya nakabalik??!
Tawa lang sya ng tawa. Hmpp!
“Nakakaasar ka! Di mo lang man kami sinabihang nakabalik ka
na. Tas mantitrip ka pa.”, sermon ko sa kanya.
“E, eto naman. Binibiro ka lang, e. Musta na ba?”
“Hayyyy. Eto okay lang. Kaw? Oy, yung pasalubong kong panda?”
“Eto okay lang din! Hahahaha! Neh. Wala. Hahahaha.”
“Daya naman nito.”
“Haha. Joke lang! Uyy. Pwede pumunta kami ni Erica at Carl
dyan?”
“Ngayon?” O________O
“Oo. O kaya uuwi nalang kami.”
Binuksan ko ang bintana ko, at dumungaw. Andun silang tatlo.
Si Erica. Si Carl. At syempre si Martin. Kumaway sila sakin. Kumaway din ako.
Bumaba ako para puntahan sila, at papasukin. Pinakilala ko rin sila kina kuya,
at umakyat kami sa kwarto ko. Ang daldal nilang tatlo.
Thump. Thump. Thump. Ang tibok ng puso ko. Bumibilis..
Parang dati lang.
Thump. Thump. Thump. Thump.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinabahan ako bigla. Naalala
ko na naman ang mga nangyari nung high school kami..
-END OF CHAPTER ONE-
No comments:
Post a Comment