First year, first sem, last day.
Ang daming nagddrama na sa Fb, ah? Ano meron? HAHA. Djk.
Last day na nga pala kasi bukas ng first sem. Parang kelan lang ano?
Sobrang excited sa pasukan. May group pa sa Fb. Pinagpaplanuhan pa kung san magkikita sa loob ng school. Nagkakakilala, nagkakahiyaan, medyo ilang pa..
Tapos ngayon, may mga kaclose na.
Pano kayo naging magkaclose? Kasi pareho ng trip, magkavibes, o basta. HAHA. Di mo kasi mapapaliwanag kung pano kayo naging close, kasi nangyari nalang, diba? HAHA. Tapos sila/sya na yung kasabay mo kumain, umuwi, maglakad papuntang Recto, o Gastam (Gastambaby nga raw), o sa Lepanto. Minsan napapadaan pa sa may Morayta. Tapos tatambay, at maghihintayan kayo madalas sa bulok-bulok!! = 'canteen'/lobby ng educ., sa batibot (sobrang rare!!), playground, TYK Garden, at sa kung saan mang lupalop. HAHA!!
Ang haba ng status ko, ano? HAHA.
Maraming salamat sa mga kapwa ko freshmen, at sa mga senpai namin na nakilala ko. Pati dun sa mga kablockmates ko. Na dati e, sobrang tahimik, ngayon.. BANG!! Party na talaga, e. HAHA. Pati dun sa mga prof namin. Na matiyagang napasok, nanenermon, at nagtuturo. Alam ko para samin din yun kaya thank you po, Ma'am/Sir!!
Kahit di ko ganon kaclose yung iba, salamat pa rin. Kasi nakasama ko kayo ngayong unang sem ko na to, sa unang taon ko sa kolehiyo.
Salamat, guys!! Salamat sa pagiging part ng buhay ko!
Alam kong lilipat na yung iba ng school, baka umuwi ng probinsya, magstop, magshift.. Pero kung anumang mangyari, walang kalimutan, ah?
Yan kasi yung motto namin nung mga kapatid ko, at yung Naynay namin nung hs (San Jose), kaya ayun. HAHA. Okay, guys?
I'm just a beep/pm/call away. :)
Ang haba na, no? HAHA. Sensya naman. Padrama lang. xD
//panda
/Haku Matsudaira
--I got this from my status in Fb, then I posted here in my blog. I think it's blog-worthy? Hehe. :)
No comments:
Post a Comment