Happy happy Mother's Day! :)
Maraming salamat kasi dinala mo ko ng siyam na buwan sa loob ng tyan mo. Para ka sigurong nakakain ng isang buong pakwan, sa isang kainan lang noon no? Hehe. Joke. :)
Game changer ba ko? Aba talaga lang no! Hehe. Joke. :)
Isa ka po sa pinaka-awesome na mga tao sa mundo. Sobrang thankful ako kasi ang awesome mo po. Liberal (open-minded) ka rin at honest. ^^
Maraming salamat sa lahat ng mga bagay na kahit di ko naman hinihingi, ay kusa mong binibigay. Tapos sobra-sobra pa madalas. ^^
Ako po pala yung medyo female carbon copy nyo na may halo ni tatay. :Dv
Salamat kasi sinusuportahan nyo ko sa mga gusto ko para sa buhay ko. Kahit na minsan, naiisip ko na iba yung gusto mo talaga para saken, ay sinusuportahan mo pa rin ako dun sa mga gusto ko maging para sa sarili ko. Yung sa mga gusto ko, at nais ko para saken, suportado nyo pa rin po sa mga ginagawa at sa mga desisyon ko.
Sobrang salamat din po kasi dun sa tiwalang binibigay nyo saken nina tatay. Kahit na minsan o madalas, di ko na-a-achieve yung mataas mong standard o goals para saken, nararamdaman kong may tiwala pa rin kayo saken na kaya ko namang bumawi para sa susunod.
Pasensya na kung may katigasan ang ulo ko, kung lagi kang nagagalit saakin, o/at naaasar o/at naiinis. Sana kumalma ka lang, ma.
Pasensya na rin po kung madalas o minsan ay sinusuway kita. Pero kahit na ganito ako, medyo weird at mahiyain, ay mahal na mahal po kita. Sobra.
Kahit di lang po halata. Malaki po yung pagmamahal, galang at respeto ko po sayo. Di po masusukat yun. Di rin po masusukat kung gano karami yung mga nagawa mo para samin ng mga kapatid ko. Kung gaano ka po ka-importante samin.
You’ve been there for me for and with me, sa buong seventeen years of existence ko dito sa mundo. Nagpapasalamat ako sayo dahil ikaw yung naging nanay, mama, ma, at mapie ko. Kung mauulit lang, o kung papapiliin lang ulit ng pwede maging nanay, ay ikaw po ulit yung pipiliin ko. Kasi kahit iba yung way mo kung pano mo na-e-express o/at napapakita o/at ramdam mo samin na mahal mo kami, pati kung gano kami ka-importante sayo, sobrang mahal po kita, at sobrang thankful din po. Pati besides don, maganda yung genes nyo, kaya ikaw po talaga yung pipiliin ko ulit, kung papapiliin man or whatever.
Malaking idol kita, mama! SOBRA. \mm/
Sobrang swerte ko talaga. Di lang ako, pero pati na rin ng mga kapatid ko. Promise, one day I’ll make you proud! SOBRANG PROUD! ;D
Minsan lang ako mag-message ng ganito na medyo madrama, so ayon. HAHA. Araw-araw naman ay Mother at Father's Day, e. Di lang halata. XD
So ayon, medyo mahaba at madrama na ko, mapie. Sorry. HAHA.
Rock on! \mm/ I love you, ma! >:D< <3333
O diba? Pareho pang naka-short shorts, at pareho pang may nice legs. Chos. :))
No comments:
Post a Comment