Sunday, June 16, 2013

Happy Father's Day, Tatay!


Tatay, happy happy Father's Day po! 

Araw-araw Father's Day! \mm/ hehe
Maraming salamat po sa lahat nang pinayo, pagod, at ginawa nyo po para samin. 

Salamat po kasi lagi ka pong andyan para payuhan at pagsabihan ako. Alam ko po na di ako yung perpektong anak, pero salamat kasi kahit matigas ulo ko minsan, di kayo nag give up sa akin. Iniintindi nyo rin po ako pag ang moody ko, at ang sungit. Sorry kung nasusungitan ko po kayo. :c 

Tapos ang close natin na parang magtropa/kumpare rin. Tatay's girl nga raw po ako, e. HAHAHAHAHA. XD

Nasasabi ko po sayo yung mga nangyari sa araw ko, yung mga thoughts ko. Tapos ang dami kong natutunan tungkol sa pagluluto at sa photography dahil sayo. Kahit na minsan ay tinatamad ako, thank you po kasi mas lalo nyo pa kong ini-encourage. Tapos pinapaliwanag nyo rin po saken yung mga bagay-bagay. Salamat po kasi nagtitiwala kayo sa mga kakayahan ko. Dun sa mga kaya kong gawin.

Malaking thank you ako kasi ikaw yung tatay ko. Kung mabubuhay man ako ulit, pipiliin ko pa rin tong buhay na to kasama kayo nina mama. Tapos tatay pa rin namin kayo. Yung ganito pa rin. 

Di ko na alam tatay kung ano pang pwede kong sabihin. Ginawan kita ng haiku. Sana po magustuhan nyo.

My father is great.
He is always there for us
in hardships and joy.

I love you, tatay. Stay awesome! \mm/ 

Sunday, May 12, 2013

Para sa pinaka-awesome na nanay ko


Dear mama,
Happy happy Mother's Day! :)
Maraming salamat kasi dinala mo ko ng siyam na buwan sa loob ng tyan mo. Para ka sigurong nakakain ng isang buong pakwan, sa isang kainan lang noon no? Hehe. Joke. :)
Game changer ba ko? Aba talaga lang no! Hehe. Joke. :)
Isa ka po sa pinaka-awesome na mga tao sa mundo. Sobrang thankful ako kasi ang awesome mo po. Liberal (open-minded) ka rin at honest. ^^ 
Maraming salamat sa lahat ng mga bagay na kahit di ko naman hinihingi, ay kusa mong binibigay. Tapos sobra-sobra pa madalas. ^^
Ako po pala yung medyo female carbon copy nyo na may halo ni tatay. :Dv 

Salamat kasi sinusuportahan nyo ko sa mga gusto ko para sa buhay ko. Kahit na minsan, naiisip ko na iba yung gusto mo talaga para saken, ay sinusuportahan mo pa rin ako dun sa mga gusto ko maging para sa sarili ko. Yung sa mga gusto ko, at nais ko para saken, suportado nyo pa rin po sa mga ginagawa at sa mga desisyon ko. 
image

Sobrang salamat din po kasi dun sa tiwalang binibigay nyo saken nina tatay. Kahit na minsan o madalas, di ko na-a-achieve yung mataas mong standard o goals para saken, nararamdaman kong may tiwala pa rin kayo saken na kaya ko namang bumawi para sa susunod.

image

Pasensya na kung may katigasan ang ulo ko, kung lagi kang nagagalit saakin, o/at naaasar o/at naiinis. Sana kumalma ka lang, ma.
Pasensya na rin po kung madalas o minsan ay sinusuway kita. Pero kahit na ganito ako, medyo weird at mahiyain, ay mahal na mahal po kita. Sobra. 

Kahit di lang po halata. Malaki po yung pagmamahal, galang at respeto ko po sayo. Di po masusukat yun. Di rin po masusukat kung gano karami yung mga nagawa mo para samin ng mga kapatid ko. Kung gaano ka po ka-importante samin. 
image

You’ve been there for me for and with me, sa buong seventeen years of existence ko dito sa mundo. Nagpapasalamat ako sayo dahil ikaw yung naging nanay, mama, ma, at mapie ko. Kung mauulit lang, o kung papapiliin lang ulit ng pwede maging nanay, ay ikaw po ulit yung pipiliin ko. Kasi kahit iba yung way mo kung pano mo na-e-express o/at napapakita o/at ramdam mo samin na mahal mo kami, pati kung gano kami ka-importante sayo, sobrang mahal po kita, at sobrang thankful din po. Pati besides don, maganda yung genes nyo, kaya ikaw po talaga yung pipiliin ko ulit, kung papapiliin man or whatever.
image

Malaking idol kita, mama! SOBRA. \mm/
Sobrang swerte ko talaga. Di lang ako, pero pati na rin ng mga kapatid ko. Promise, one day I’ll make you proud! SOBRANG PROUD! ;D 
Minsan lang ako mag-message ng ganito na medyo madrama, so ayon. HAHA. Araw-araw naman ay Mother at Father's Day, e. Di lang halata. XD
So ayon, medyo mahaba at madrama na ko, mapie. Sorry. HAHA.
Rock on! \mm/ I love you, ma! >:D< <3333 
image

O diba? Pareho pang naka-short shorts, at pareho pang may nice legs. Chos. :))

Friday, April 19, 2013

Tips ko para sa mga incoming college frosh & first day ng school sa college



Syempre, dahil malapit na ang pasukan (okay medyo malayo pa. HAHAHAHA. Medyo magulo. XD) gusto kong magbigay bahagi ng mga konting kalaman sa mga incoming frosh. HAHAHAHA.
Kasi syempre magkakaron na naman ng mga bagong first year students. Pwedeng sa high school o sa college. Tapos sa elementary, mga grade 1 naman, at pag-NKP, e syempre Nursery.

Magbibigay ako ng mga tips para sa mga incoming first year college students. Eto ay base sa experience at sa mga payo rin sakin ng ibang mga upperclassmen, mga nakakatanda, at yung ibang mga nabasa ko. 


Dahil ito dun sa tanong ng isang anon sakin nung nakaraan pa sa Tumblr. Pero nagpakilala rin saken si ate. HAHA. 


Anonymous said: Hi! Any tips po for college frosh? Ano po ba ginagawa pag first day?

So eto yung naging sagot ko kay anon:
Hi rin po anon! :) 
Nice naman, anon. Incoming first year ka na ano? Tara sayaw! HAHAHAHA.
image
Medyo mahaba pero sana maging helpful at sana magustuhan nyo! :)
---------------------------
Tips ko para sa mga incoming college frosh & first day ng school sa college:
Pumasok ka sa unang araw ng klase! Yung iba kasi di pumapasok, kasi syempre iniisip nila first day lang naman ng klase, o baka wala namang pumuntang prof. Yung tipong, wala namang gagawin, o what kaya di sila napasok.
1st day mo yun bilang college! Kaya dapat pumasok ka.
Mas maganda rin kung papasok ka ng mas maaga sa first day. Bagong school, bagong campus kasi syempre. Di mo pa kabisado yung lugar, at baka mawala ka at ma-late. Minsan kasi may mga napasok na na mga profs a unang araw, minsan naman ay wala. Wag ka rin mahihiyang magtanong sa mga tao sa school. Pede naman magtanong kina kuya/ate guard, o kaya kina kuya/ate maintenance.

Tapos don’t be shy/afraid to make new friends! Kasi diba kung magkaka-block kayo sila rin yung makakasama mo sa isang buong sem. Bale 5 months din yon. Lahat naman kayo ay 1st year at kabado rin. Natural lang kabahan. Kung wala mang dumating na prof, edi at least may mga kakilala ka na, diba? Di ka na loner, tapos may posibleng kasabay ka na pagkumain or umuwi kung pareho kayo ng lugar o daan.

Dapat lagi kang ready. Di lang para sa lesson kundi syempre yung gear mo dapat ready ka rin. Dapat may dalang kang yellow pad, envelope, 1x1 o/at 2x2 na pictures mo, binder, barya, tubig, payong, ballpen, at dapat dala mo rin yung registration card/form mo. Medyo marami, pero I’ll explain kung bat essential naman sila.
- Yellow pad. Kasi dapat meron ka non.
Ano ba naman yan, college ka na wala ka pa ring papel?! XD
Di rin kasi lahat ay namimigay ng papel. Mahirap pag wala kang papel. Kung di mo kayang bumili ng maramihan, pede naman yung mga pa-tatlong pisong yellow pad, diba?
- Envelope! Dito mo ilalagay yung mga handouts nyo, pati yung mga quizzes, seatworks, homeworks nyo. Para di sabog-sabog sa bag mo, at alam mong nasa isang lugar lang.
- 1x1 or 2x2 pictures. Yung ibang prof kasi humihingi nito. Para di ka na masyadong gagastos sa kakapa-picture.
- Binder! Dito mo isusulat. Yung mga notes nyo.
Minsan, di nyo na kailangan o d ng isang libro para sa isang subject. Magtake down ka ng notes, kahit di sinulat ng prof sa board, kasi di lahat ng prof nagsusulat sa board. Yung iba dinidictate nalang. Basta importante, ha? Kasi mahirap na, di mo sinulat tapos biglang lumabas sa quiz/exam nyo. Lagot! Hahahaha.

Maganda at pwede ring pang-doodle pag bored ka na sa klase. Para iwas antok! Hahahaha. Joke. XD 

- Barya. Maraming purposes ang barya sa buhay ng isang estudyante. Importante ito kung sasakay sa jeep o magpapa-xerox copy ka. Iwas hassle kasi di na kailangang magpabarya ni ateng/kuyang nagxexerox kung barya ang ibabayad mo. Pati kung nag-aaral ka sa Maynila, alam mo naman na madalas ay bahain dito. May mga tubig sa gilid, at di ka makadaan ng mainam. Minsan gagawa yung mga tao ng tulay-tulay. Mag-aabot ka lang naman ng barya sa kanila. Mahirap na kasi pag buo pera mo, di ka na susuklian non! Hahahaha.
- Tubig. Drinking water ha! Importante to di lang dahil para rehydrated ka lagi, kundi kung iikot-ikot ka sa loob ng school, o sa labas ng school, di mo na kailangang bumili. Makakatipid ka rin kahit papano, diba?

- Payong. Panangga mo sa init at ulan. Lalo na pag sa ulan. Nako! Mahirap pag walang payong, tapos naulan at commute ka pa, at malayo ang bahay mo. HAHA. Wet look ka na non!

- Ballpen. Baka kasi may papel ka nga, wala ka namang ballpen. Ansabe naman non, diba? College na nanghihiram ka pa rin ng ballpen?! xD Uso mahiya, fre. Hahahaha. Pati maganda kasi yung may sarili ka na, diba?
- Registration card/form. Hihingin kasi to sayo ng mga prof. Isasauli rin naman syempre. Pati kung maiwan mo man ang i.d mo, at least papapasukin ka ng mga guard, diba?

Tapos wag kayong matakot mag-explore ng mga kakainan, kasi based on experience, may iba akong mga ka-block na mahilig lang sa mga fastfood kumain. Yayayain ka nila don syempre! Okay din namang kumain sa mga fastfood, kaso may pagkamahal diba? Magpakasawa na kayo sa fast food chains. HAHAHAHA.

I know medyo crazy o unusual tong payo na to, pero kung ikaw ay nagtitipid at nag-iipon, pero malakas kumain, helpful naman to.

Pwede ka rin namang magbaon nalang ng pagkain mo, e.
Kung medyo tight ang budget mo, maraming pedeng kainan dyan. Lalo na kung sa may U-Belt ka banda. Affordable na student meals, malinis din namang kainan. Don’t be afraid to explore! 
Kaso hinay lang, ha? Baka kasi hepa o sakit ang makuha. Pag may natripan at maayos na kayong kainan na nahanap, pede na kayong magpabalik-balik don. Suki na, diba? HAHAHAHA.

Sa college din pala, di na ganong mahigpit sa inyo ang mag tao. Di tulad nung hs, bawal lumabas ng campus, o ano man.
Minsan din masyadong malaki ang free time, o break. Kunwari unang klase mo, 1030-1130, tapos next naman ay 330-430. Pede kang lumabas ng school sa oras na yun o tumambay sa mall, o pede namang sa loob ka nalang ng school tumambay.
Maganda tumambay sa library, o kaya sa garden ng school nyo, o kaya sa canteen. Basta kung saan nyo feel sa loob ng campus nyo. Para di nyo na kailangang lumabas pa ng school. Mahirap kasi gagala ka pa sa labas, tapos male-late kang makabalik sa isang subject mo kasi natrapik ka pa.
Minsan may subject talaga tayong nahihirapan, na kahit anong paliwanag ng prof o ni classmate, don sa topic, di natin magets. Take time na mag-aral para don sa (mga) subject na yon. Pede kang mag-aral don sa library nyo. Maganda rin kung mag-a-advance reading ka para sa mga subjects mo kinabukasan, para ready ka sa lesson nyo. 

Labanan ang katamaran! Oo, mahirap talaga to. TRY! Oo, nakakatamad talaga yung ibang subjects, at baka ayaw mo nang pasukan, pero pumasok ka! 
Pilitin mo sarili mo.
May maximum kasi na absences lang na pede, at syempre baka maubos mo kagad yon kung lagi kang magsskip ng klase. Baka pag kailangan mo na talagang maging absent, e di mo na magamit.
Pati mahirap maghabol pag may namiss kang isang session ng klase nyo. Malay mo, nagkaron pala kayo ng surprise quiz, graded recitation o anumang graded na activity.
Madalas walang paki-alam yung mga prof o/at yung iba mong mga kaklase sayo kung pumasok ka man o hindi. Kaya dapat maging responsible ka sa mga actions mo. Kasi lahat ng actions may consequences. Baka ngayon, e-enjoy-enjoy ka kaka-skip ng classes, tapos di mo alam dropped ka na pala.
Natural lang na tamarin, pero isipin mo rin na possible mong ulitin ang subject na yan. Pati ang paghihirap nung mga nagpapaaral sayong mga tao. Kahit namang sabihin mong scholar ka, syempre kailangan mong i-maintain yan.
Di lahat ng tao nabibigyan ng opportunity na makapag-aral sa college, so habang may chance, grab it.

Diba, napayo ko na ang maging friendly ka at make new friends? Pero syempre, kilalanin mo rin yung mga kaibigan mo talaga. Sabi nga ng tatay ko, sa college mo makilala lahat ng klase ng tao.
Maraming parasite dito sa mundo, yung lalapit lang sayo pag may kailangan. Tapos pag ikaw naman yung may kailangan, di mo malapitan o kaya nawawala nalang ng parang bula. Marami ring mga bad influence at bad odor! Djk HAHAHAHAHA. Nako! Masaya gumala, pero di mo alam wala ka na palang lifeline (allowed na pedeng absent)! Ingat sa mga ganon.
Know them muna!
Pati ikaw sa sarili mo, wag kang maging bi, parasite, o user! Nako. Bad yon!

Pati sabi nga ni Kuya Rhads (matabangutak.tumblr.com), na lagi mong tandaan na kaya ka nag-aaral kasi gusto mong makatapos. As much as possible, iwas landi muna. Pede naman magka-crush. Hahahahaha. Pero masyado pa tayong bata for anything serious, pero kung kaya mo naman, at pede ka na magkaron ng bf/gf, gora lang! =))))) Basta wag kalimutan ang studies! 

Di talaga maiiwasan ang mga terror na prof! Pero di naman lahat ng prof ay terror. May mga prof din na mga mababa talaga magbigay ng grades kahit anong effort ang gawin mo sa subject nya. Lahat din talaga ng mga klase ng professor ay makilala mo. HAHAHAHAHA! Get to know them! Yung iba super kalog. =)))))) Pero wag mong kalimutan na prof pa rin sila, kaya ingat lang! Kasi baka naglolokohan kayo sa klase, tapos grabe mong dinarag o binara ang prof nyo. Kahit na kalog sya, syempre respeto pa rin ang kailangan.

Love your school! Be proud of your school!
School pride ika nga nila.
Manuod kayo ng mga games ng university nyo. Wag lang puro basketball, ha? May iba pang sports! Magcheer ka para sa school mo hanggang mapaos! HAHA. Joke. XD YEAH!

Last but not the least, enjoy! Di pa kasi ganon ka-hectic pag first year ka palang sa college. Pero wag masyado, ah? Kasi mahirap na baka sa sobrang enjoy mo, e madrop o ma-fail ka sa iba o karamihan o lahat ng subjects mo.
Mahirap maging irreg! Di ko pa nasusubukan (at ayoko), pero yun ang sabi nila. Di lang dahil sa gastos ulit next sem. Syempre mahihiya ka rin sa mga nagpapaaral sayo lalo na kung di ka scholar. Pati kung scholar ka man, syempre posibleng mawala yon. Pati kasi kukunin mo na naman yung subject na yun, at dahil di mo na ganong makakasama yung mga naging friends mo na nung 1st sem.

Tapos treat yourself paminsan-minsan. Mahirap kasi pag sobrang stressed ka na sa (isang/mga) subject(s) mo. Pede kang mag-ice cream, magpa-massage, basta do anything you love that relaxes you! Di kailangan na laging pressure! Chill! Enjoy your first year in college!

—Yan lang mga mapapayo ko sa mga incoming first year college. XD Sana helpful! :)) 

Welcome to college! :) 

Pm nyo ko kung gusto nyo makuha link nung original post. LOL

Wednesday, April 3, 2013

Telling your heart out: Confessions



Dahil sa mga early morning conversations namin ni sunsetswithhim (di ko pa rin alam totoo mong name. Sorry. Hahahahaha XD), dito sa Tumblr, napa-isip tuloy ako. 
“Confessing, that’s courage.” — sunsetswithhim.tumblr.com :)
Totoo. Bat nga ba umaamin ang tao, sa isang tao na gusto nya yung isang tao?

Siguro natural lang yun sa isang lalaki, pag inamin nya yung feelings nya toward sa isang babae. Pero dahil sa mga nakasanayan natin dito sa ating bansa, iba ang tingin pag ang babae yung umaamin sa lalaki.

Maaaring naiisip ng iba na ang astig nya, o masyado syang prangka, o kaya naman ay masyadong di makapakali yung babae o atat ba. Yung ganon. 

Anuman ang sabihin sa kanya ng ibang tao, tungkol sa kanyang ginawang pag-amin, di natin makakaila na humugot ng maraming lakas ng loob ang babaeng yon, at syempre dahil yon sa ginawa nyang pag-amin ng kanyang mga totoong damdamin para sa taong yun. 

Well, kahit naman siguro di natin pagbasehan ang gender o sexuality ng isang tao, basta alam nating umamin yung taong yun sa taong gusto nya, grabeng lakas ng loob ang kanyang hinugot.
Diba? 

Syempre, kakayanin mo bang umamin sa kanya? 
Kahit na pano pa natin to ipaabot o iparating sa taong yun, siguro personal mong inamin, o kaya sa sulat, text, o chat, o tawag, syempre, all out courage yun. 

Ako man ay aminadong ilang beses na kong umamin sa taong gusto ko talaga.
Bakit nga ako umaamin sa taong nagugustuhan ko?

Ever since na nasa grade 5 palang ako (oo, elementary palang HAHA) umaamin na ko sa crush ko. Siguro, eto rin ang isa sa mga bagay na nagpapatunay na ang weird ko. HAHA. Oo, ako na weird. :p 
Ako kasi yung tao na, ayaw kong magkaron ng regret dahil lang sa di ko nagawa ang isang bagay. 
Alam mo yun? 
Yung tipong nagkaron ka ng regret kasi di mo sya nagawa. Yung tipong sana nagawa ko yun, o sana nasabi ko. 
Di naman kasi natin hawak ang maraming oras sa ating mga kamay. Baka nga, maraming time na kasama mo o/at nakakausap mo yung taong gusto mo. Pero dahil mabilis at mapaglaro ang takbo ng oras, di natin alam at di tayo nakakasigurado kung may oras pa ba na mag-usap kayo, o kung may oras pa ba para magkasama kayo.
Sabi nga ng isang kanta ng Sleeping With Sirens, “..So when you have today, you should say all that you have to say.. Say all that you have to say..”
Mapaglaro kasi ang buhay, ang oras, ang panahon, at ang hinaharap. Diba?
Pati gusto ko kasi yung honest ako sa sarili ko at dun sa taong yun, yung tungkol sa totoong feelings ko. Kaya kung gusto ko yung isang tao, I just tell that person. Pero minsan, kahit gano ko kagusto yung isang tao, kung may mga taong posibleng maapektuhan, di ko na sinasabi. Kasi syempre, baka in a relationship na pala yung taong gusto mo, diba? Tapos oo, close kayo. Pero dapat isipin din natin yung mararamdaman ng iba.
Wag selfish, diba? Ayt ayt.
Courage courage courage. Yeah. Courage talaga. Kasi you’re taking a risk. HAHA. Di ko alam kung saan ko to nahuhugot, e. Siguro nga nung nagpaulan ang Diyos ng kapal ng mukha, lakas ng loob, at courage, medyo marami-rami rin akong nasalo. Hahahaha.
So ayon, ayoko magkaron ng regrets, at what ifs (What if kung umamin ako sa kanya gusto rin pala nya ko, etc etc) 
Kaya pag gusto ko talaga yung tao, I just tell him. 
Ano namang mawawala saken, diba? 
Oo. Maraming nakataya sa lamesa. 
Posible, maraming mawala saken, at posible na, tuluyang mawala yung taong iyon saken. 

It all depends kung pano sya mag-react at kung pano nya ite-take yung sinabi ko. 
Pero ewan ko ba. 

Feeling ko tama lang na umamin ako dun sa taong gusto ko dati. 
Para kasi saken, wala naman kasi talagang masama sa pag-amin, e. Basta totoo ang nararamdaman mo para sa taong yun, at di ka nagsisinungaling sa sarili mo at sa taong yun. 
Diba?
Bat ka mahihiya sabihin kung totoo naman?
Natural lang na matakot kang umamin, kasi syempre, you’re taking a risk, at may talagang may halong takot. Kahit naman na totoo yung nararamdaman mo, matatakot ka pa rin. Kasi diba, uncertain ka.
We fear the uncertain.
Natural lang na may kaba at takot. Lalo na rin talaga kung sobrang gusto mo yung tao.
Pero masabi mo man, o hindi, okay lang yan. Basta dun ka kung saan ka masaya, diba? Yun kasi yung sabi ng koko krunch saken. Hahahahaha.
Hi KOKO KRUNCH. :) :p
Btw, kung nagtataka kayo, wala pa pong umaamin saken na gusto nila ko. Siguro matagal pa bago may umamin saken. Pero sana kung may umamin din sakin ng feelings nya para saken na gusto nya ko, totoo yun. Yung totoo yung nararamdaman nya. Masakit kasi diba, pag di totoo? Pati mas maganda kung totoo, kasi feelings yun, e.

--
Same stuff I posted in my Tumblr account. :)

Sunday, March 31, 2013

Reminiscing: Elementary & Highschool Memories








Print screen shots from my own Twitter account. ;)

Dahil sa post ni thesickestlady a.k.a Jezzcee, napa-reminisce ako! :) So ayon, nakikigaya lang sa post nya. HAHA. Sobrang namiss ko bigla maging high school student. Tapos syempre, namiss ko rin yung mga kaklase ko nung elementary, pero syempre puberty stage yung hs. Nung elementary kasi mas limitado yung mga pwedeng gawin. Pero nag-enjoy naman ako. Kaya lang mas namiss ko lang talaga yung mga kaibigan ko nung hs. :))
 
You do all sort of stuffs together. 
Nagttry kayo ng mga bagong stuff (kahit yung bawal — LAM MO YAN SSHHH XD), nangtitrip kayo sa isa’t isa, nagdadaldalan, nagfufoodtrip, nag-wwake over (sleepover/overnight — wakeover kasi walang tulugan — pauso nung klase namin nung 4th year XD), gumagala pagkatapos ng klase (minsan di alam yung gala, madalas biglaan, may project kuno), natutulog sa classroom, pumapasok ka ng maaga para lang makikopya ng assignment, KOPYAHAN (LAM NYO YAN), nagccramming sa mga project, at kung anu-ano pang mga pinaggagawa sa buhay. 
YOLO raw, e. LOLjk =))
Minsan nga naiisip ko nun, na sana di nalang matapos yung pagiging hs student ko. Pero syempre, imposible naman yung wish ko. Pati as much as gusto ko na maging hs nalang ako forever (CHAR), di naman pede yon, diba? So, ayon ang winish ko nalang nun, na e sana, mas maging mahaba yung oras.
Yung oras na magkakasama kayo. Yung oras na ginagawa nyo yung mga bagay na minention ko sa taas =)) Yung oras na magkakasama kayo. 
Yung oras na gumawa ng masasayang memories. 
Oo, di naman pwede na puro masayang memories lang. May mga masaklap, nakakaasar (yung iba sobrang nakakaasar, gusto mo nang kalimutan), malungkot — pero ganon talaga. That’s life.
Pero yung tipo bang, mas marami yung masasayang memories, diba? :)
So ayon. Wala. Napadrama lang ako! HAHAHAHAHA. Nakakaloka kasi, e. So ayon, sobrang napa-reminisce talaga ko kagabi, hanggang madaling araw. Tas natutuwa naman ako sa mga TT kasi lately pangit yung mga TT sa Twitter. HAHA. 
Kung nasan man yung mga taong mahalaga saken. Yung mga nagpasaya, ginawang memorable ang pagiging hs student ko, salamat talaga sa kanila. Kasi di ako yung magiging eto ngayon, kung wala sila sa tabi ko. 
Yung mga taong nagpatawa saken, nagpakaba, nag-inspire, nagpa-iyak, nagpaselos, nagpalungkot, nagpa-realize, nagpangiti, at kung anu-ano pang emosyon ang pinadama saken.. Salamat. <3
Di ko talaga kayo makakalimutan. :’)
“May iwanan, pero walang kalimutan.” 
Teka, teka. Medyo senti na to, ah? HAHAHAHAHA. :’) =))) <3

[n/:] I just posted here in my blog, because of the fun memories that I have had back then. I originally posted this in my personal Tumblr account. ;)

Dahil trending topics yung #elementaryschoolconfessions at #highschoolconfessions sa Twitter kagabi.. Shet! Napa-reminisce ako ng bongga, e. :)) Yung mga pinaggagawa namin, na di mo akalaing gagawin mo. Tapos ginawa mo. HAHAHAHA. 
Naalala ko tuloy yung mga memories, kwentuhan, mga nangyari, at lahat. Tapos bigla mong namiss. Yung tipong sanang di nalang natapos yung pagiging hs student mo. Pero di pwede, e. We have to move forward. 
Yun ngang motto ng klase namin nung 4th year, “May iwanan, pero walang kalimutan.” 
SHETTT. HAHAHAHA.
Tapos bigla ring naging trending topic yung #collegeconfessions kaso syempre, incoming 2nd year college students palang kami, so we’re still making new memories. :)

Thursday, February 28, 2013

Last day of February.. March na bukas! WHAAAA! I feel na malapit na talaga ang summer! ♥

Kinda had a crappy day today, pero dahil sa mga awesome peeps, okay naman tong araw na to! HAHAHAHAHA. Thank you, guys!

Tapos buti at nagkita-kita kami ng tropa! Namiss ko kayo! SAGAD! Medyo bitin nga lang, but fun! HAHAHAHAHA.

BABAWI AKO.
Fight~!!
>______________________>