Showing posts with label #opinion. Show all posts
Showing posts with label #opinion. Show all posts

Wednesday, November 21, 2012

Mahirap ngunit Masikap


Pagpa-uwi ako galing eskwela.. Araw-araw, nadadaanan ng bus yung lugar na yun. Lagi kong nakikita yung matandang babae dun. Lola na sya.
Naiisip ko minsan, iniwan kaya si lola dun? Inabandona? :(

Natouch naman ako dun sa lalaking nagbigay sa kanya ng isang styro na puro siomai. Yung itsura kasi ng lalaki, akala mo may masamang gagawin dun sa matanda, pero mabait pala. 

Totoo itong kasabihang 'to: Dapat di natin hinuhusgahan ang mga tao, base sa mga panlabas nilang anyo. ^________^
--

Dahil sa mga observations ko lately (read my previous statuses kung di nyo alam. :P), nakaka-inspire talaga ng sobra ang mga taong nagsisikap. Yung mga taong kahit nahihirapan, iniwan, pinababayaan, ay nagsisikap pa rin para mabuhay. Nakakatuwa kasi, kahit yung iba ang hirap ng trabaho nila, nakangiti, at parang di sila napapagod.
:')

Kaya nakaka-inis ang mga taong di sila naa-appreciate, o kaya naman grabe kung i-degrade sila. As if kagustuhan ba nilang maging mahirap? Buti nga, e nagsisikap.

Kaya sana talaga matupad yung plano ko this December.
Maliit na bagay lang yun kung tutuusin. Medyo nahihiya pa nga ko, e. Haha. Plano ko nga, every quarter ng isang taon, pero syempre, estudyante palang ako. ^___^v

--
Sana gets nyo kung anong ibig kong sabihin. Haha.

--
canlkcasnlacnaklca
//observations
//opinion
//random
//oo na mahaba

Friday, November 16, 2012

Tanga-tangahan sa loob ng tren


Tanga-tangahan sa loob ng tren
Naiinis ako sa sarili ko kaninang umaga..
May mama kasi, as in manong sa pang-all female area, elderly, pregnant, disables, at sa may mga dalang bata kanina sa tren.
Yung tipong kunwari tanga lang ang peg ni manong!
Manyak, ee. -________-
Nakita ko na, pero di ko sinabi sa guard.

I think, yun ang problema sa maraming mga tao. Nakikita na nila ang mali, pero di naman nila pinapansin. Baka nga, wala silang kasalanan, pero nagkakaron din ng kasalanan, for ignoring such things, and doing nothing. Nagkukunwaring tanga, bulag, bingi, at wala lang nangyari, o nangyayari.
———-
adjlwjallakdka;dka;dka
Opinyon ko lang.
Next time. Lalapitan ko na yung manong, pag may nangyaring ganun ulit. -__________-
Pati yung guard!!

Wednesday, November 14, 2012

Reaction on this AMALAYER thing-y

What is AMALAYER?

View video on Facebook:
http://www.facebook.com/photo.php?v=4554602298491

Read more about it here:
http://ph.news.yahoo.com/-amalayer-trends-on-twitter--what-was-it-all-about-.html

~~~~~~~
DISCLAIMER: This post is in Filipino. Anything on this post are pure opinions, and reactions of the blogger. Respect begets respect. This is my opinion, I hope you guys will respect it. Thank you~

-------------

Di na ko sobrang nagulat dun sa "AMALAYER" video. I mean, oo nga, di ako madalas makakita ng mga ganyang eksena. Pero syempre, di natin alam ang buong storya. Sa buhay kasi, di maiiwasan ang mga ganyang pangyayari. Yung iba lang di navvideohan. Syempre may dahilan din kung bakit nagalit ng bongga si ate, kay ate guard. Pero syempre, may mali rin sya. Para saken pareho silang may mali.

Kasi kung m
ay nagawa sa kanya si ate guard, di naman dapat na ganon nalang ang i-ugali mo. Especially sa isang public place. Kahit na sabihin mo na sobrang kataas ang pinag-aralan mo, na mas mataas pa talaga kay ate guard, di naman tama na ganun ang i-asta mo. Get?

Yung kay ate guard naman, baka naging sobrang agresibo, o maangas din ang dating nya kay ate. May ibang guard kasi na ganun, e. Kaya di rin masisisi kung nagsuper rage si ate. Baka sobrang problemado ni ate, tas ginanon pa sya ni ate guard. Get?

--
Pero syempre opinyon ko lang naman ang mga ito. Di ko rin naman alam ang mga pangyayaring buo. I just made observations base dun sa mga napanuod ko.
--
jadildjwljdadkawa