Wednesday, November 21, 2012

Mahirap ngunit Masikap


Pagpa-uwi ako galing eskwela.. Araw-araw, nadadaanan ng bus yung lugar na yun. Lagi kong nakikita yung matandang babae dun. Lola na sya.
Naiisip ko minsan, iniwan kaya si lola dun? Inabandona? :(

Natouch naman ako dun sa lalaking nagbigay sa kanya ng isang styro na puro siomai. Yung itsura kasi ng lalaki, akala mo may masamang gagawin dun sa matanda, pero mabait pala. 

Totoo itong kasabihang 'to: Dapat di natin hinuhusgahan ang mga tao, base sa mga panlabas nilang anyo. ^________^
--

Dahil sa mga observations ko lately (read my previous statuses kung di nyo alam. :P), nakaka-inspire talaga ng sobra ang mga taong nagsisikap. Yung mga taong kahit nahihirapan, iniwan, pinababayaan, ay nagsisikap pa rin para mabuhay. Nakakatuwa kasi, kahit yung iba ang hirap ng trabaho nila, nakangiti, at parang di sila napapagod.
:')

Kaya nakaka-inis ang mga taong di sila naa-appreciate, o kaya naman grabe kung i-degrade sila. As if kagustuhan ba nilang maging mahirap? Buti nga, e nagsisikap.

Kaya sana talaga matupad yung plano ko this December.
Maliit na bagay lang yun kung tutuusin. Medyo nahihiya pa nga ko, e. Haha. Plano ko nga, every quarter ng isang taon, pero syempre, estudyante palang ako. ^___^v

--
Sana gets nyo kung anong ibig kong sabihin. Haha.

--
canlkcasnlacnaklca
//observations
//opinion
//random
//oo na mahaba

No comments:

Post a Comment