Monday, November 19, 2012

Mahirap Ngunit Marangal


Mahirap Ngunit Marangal


Nakakatuwa yung mga nagbebenta na umaakyat sa bus. Kasi nagsisikap silang umakyat ng bus, para lang makabenta, at magkaron ng pera. Di lang yung mga naakyat sa bus, kundi yung mga naglalako rin ng mga kung anu-ano sa mga bangketa, at kung saan man..
Di ko na mababanggit lahat ng trabaho, basta ang tinutukoy ko yung mga di nagtatrabaho sa opisina. Ang tinutukoy ko ay yung mga nagtatrabaho sa kalsada, o kung saan man na talaga namang kahit mainit, o/at mahirap ay nagsisikap.

Sana gets nyo? Haha.

Nakakatuwa yung mga taong nagsisikap talagang magkapera. Tapos ang mga paraan nilang ginagawa, hindi yung masamang paraan. Hindi yung "easy money" kung tawagin ng iba. Ang trabaho nila ay ang trabahong mahirap. Yung tipong, maliit man, ang perang nakukuha, ay matatawag na trabahong marangal. 

Nakakatuwa talaga, at nakaka-inspire. :')
Dapat maging thankful tayo sa kung anong meron tayo. Hindi yung bibili tayo ng pagkain, tapos di uubusin. Nakaka-inis kasi yung mga taong ganun. Di ba nila alam, na ang iba ay umaasa sa tira nila, yung iba nagpapakabilad, at nagpapa-usok para lang magkaron ng makakain?

Lesson: We should be very thankful for every little thing. We should not waste, because some are wishing that they have what we have.
:')
--
adjawdjaldjlawd
Wala lang..
//observations
//random thought

No comments:

Post a Comment