Showing posts with label #filipino. Show all posts
Showing posts with label #filipino. Show all posts

Monday, December 31, 2012

Bye bye 2012, Hello 2013!


Ilang kembot nalang New Year na!! 2013 na. Haha. Babye 2012!! Hello 2013!!
\^______________^/
"Maybe it's not my weekend, but it's gonna be my year!!"
Lololololol. :))))

Happy New Year, mga dre!! Ngayon na ko babati, kasi mamaya, busy, at magkaron ng problema sa network, or kung anuman. HAHA. ^_____^
Maraming salamat sa mga nakasama, sa mga bagong kaibigan/bespren, at sa mga bagong experiences kasama kayo, at ang mga dati ko nang kaibigan!! \mm/
Sorry din sa mga nagawan ko ng mali. ^^v 
Sana sa darating na taon mas makilala ko pa kayo, magkaron pa tayo ng maraming mga experiences, at mas maging close pa tayo!! Yeahhhh!! 
I love you guyssss!! >:D<

//Happy New Year
//2013
//greeting

Tuesday, December 25, 2012

Presents for me ~ Christmas 2012


Salamat sa mga nagregalo saken. HAHA. :D
Yung nasa paper bag na brown galing kay, Andre kups.
Yung nasa cute na santa na lalagyan galing kay, Meshi Clark. 
Yung nakabalot ng stars na pamabalot galing kay, Bestie CamillePeps.
Tas ako nagregalo sa sarili ko nung brown na notebook. :)

Salamat, guys!! \mm/

//Christmas
//2012
//gifts


Monday, December 24, 2012

Christmas Greetings 2012



Merry Christmas! :)
Haha. Ako yan, at ang pose ko! Lol. :))
Oo. Pinlug ko na rin ang sarili ko. HAHA. Pagbigyan nyo na! ^__________^v

Cheap Date by Lateeya COVER

Cheap Date by Lateeya COVER


So, natuwa lang ako sa cover netong si Andre kups! HAHA.
Isshare ko lang dito sa blog ko, at sa Tumblr account ko. :)) HAHA.
Di mo kasi aakalain na gagawa sya ng sarili nyang cover, e. Although, oo nakanta rin yan minsan. HAHA. 
At dahil mabait akong kaibigan, at sobra akong natuwa sa ginawa nyang cover, nilagay ko dito. Mag-aaral pa raw syang maggitara! HAHAHAHA. :))

Eto yung link:

Andre's Cheap Date by Lateeya (Cover)

Pakinggan nyo, guys. Haha. Magcomment, or i-like, o i-repost nyo kung trip nyo. Ayun. Salamat! :)

Sunday, December 16, 2012

MoA sunset; 15 December 2012




Yung sunset kahapon sa seaside sa MoA. <3 
15 December 2012.

Photo credits dun sa kaibigan ko. I dunno kasi kung sino kumuha nung picture, kasi papalit-palit sila. Haha. Wala. Unedited yan. Natuwa lang ako, kasi ang ganda. Wag ka lang masyadong tumingin sa baba kasi marumi. Lol. Pero maganda. In fairness. HAHA. Natutuwa talaga ako pag natingin ako sa langit. Tapos dagat pa. Sht. It makes me miss the beach more. T~T 

Sunday, December 9, 2012

Crazy Bus Experience; 8 Dec 2012


Crazy Bus Experience; 8 Dec 2012

Eksena: Kanina sa bus.. Papunta palang ng school..
Ang saya ng upo ko, at ng soundtrip ko.
Biglang..
Tumigil ang bus kasi may mga bababa. Tapos naglabasan ang mga tao sa bus.
Me: WTF? O______O *removes earphones from ears*
Someone shouts: Bilis!! Labas na tayo!! May usok sa likod!!
Me: What the heck? O___________O (kinda panics) *Tumayo na rin para lumabas ng bus*

Habang nasa pila palabas ng bus.
.
Medyo tumigil yung pila palabas, kasi may lola ata na bumaba.
*non-verbatim*
Guy behind me: *shouts* Bilis!! Mamamatay na tayo!!
Me: Sandali lang po. Di gumagalaw yung pila!!
GBM: *ignores what I’ve said and screams louder* Bilis bilis!! Mamamatay na tayo!!
Me: Wtf. -_________- (thinking: OA lang ha? Mamamatay kagad? Usok palang? Fuck. Maiwan ka sana para sumabog tong bus, at masama ka na.)

——
Kkkkkkk.
Ang lalaki pa naman ng tikas ni kuya, e. Tas yung boses nya. Tas sobra lang makapanic? Mas kabado pa saken. Shet. HAHAHAHA. Buti ako kalma lang. Kaso ang tanga ko rin, medyo kinabahan.
Dapat nagpahuli nalang akong lumabas, e. Kaso baka ma-late ako. -______-
Share. What a crazy dayyyy~
But I really enjoyed. ^__________^

fnaskfnaefnaklnlkamdak
——-
//share
//crazy
//bus experience

Thursday, December 6, 2012

RIP to those 2 FEU students who were shot

Nakakalungkot.
Ang daming kapwa kong estudyante ang pinatay recently.
Yung mga taong kumuha ng buhay nila, ay parang pumatay lang ng ipis. Di ko sila kilala personally, o kaanu-ano ang mga estudyanteng to. But I feel sad. Marami pa sana ang magagawa ang mga estudyanteng to. Maybe for their own lives, family, for their friends, and for the country siguro. Who knows right?

Bat ganun ang ibang tao? 

Parang walang puso, kaluluwa, at isip. Basta-basta nalang kikitil ng buhay ng tao. -_____________-
For what? Anong maggain nila dun?
Pride? Pera? The feeling of contentment?
I don't understand.

Condolence sa lahat ng pamilyang nawalan ng anak na estudyante. Di na ito bago, pero hiling ko ay makamtan nila ang hustisya. Para man lang mabigyan katarungan, at hustisya ang pagkamatay ng mga estudyateng ito. I know that things like this happen. Di lang siguro lahat naffeature sa media.

RIP to those 2 FEU students.
I'm not from FEU, pero I have friends there. Sana maging maayos ang lahat.

//observations
//opinions
//random thoughts

Thursday, November 29, 2012

2nd Sem - 1st Long Weekend Plans


Long weekend~ ^_____________^
Magkakaron ako ng time para bumawi sa tulog, magmemorize, gumawa ng mga tula at origami, tapos magbasa.
Tsaka na ko maghahabol magbasa ng manga, at manuod ng anime.
Must focus on things muna. Baka maadik ako nang wala sa oras, tapos mawala ang focus ko. Mehehehe. Namimiss ko na manuod ng anime. Y_________Y
Kyaaaaaa~
I can do this!!
FIGHTING!!

Awesome Concerts ~ February 2013


15 February 2013!!
Tapos yung sa PTV & SWS sa 16!!
Magkasunod lang. HAHAHAHA.
Omgggg~
I want to see them again. (Paramore) TT~TT
Penge pera!! HAHA.

Textbook!!

Textbook!!
—
Le me nung isang araw, sa NBS Recto.
Naghahanap ng librong ‘Textbook on the Philippine Constitution 2011 Edition’. Sa 3rd floor daw kasi sabi nung clerk sa baba, kaya pumunta ako sa 3rd floor.
Sa 3rd floor, le me and le clerk there.
Non-verbatim.
Le me: Uhmm. Good afternoon po. May ‘Textbook on the Philippine Constitution 2011 Edition’ po ba kayo?
Ateng clerk: Wala, e. 1987 constitution lang meron kami.
Le me: Uhmm.. Ano po..
-Sasabihin ko sana na sabi nung clerk sa baba, meron daw. Pero..-
Ateng clerk: Ay!! (Parang nagkaron ng ‘light bulb moment’) Yung kay de Leon? Meron pala. *gets book & hands it over to me*
Le me: *gets book* Okay po. Salamat. ^_________^

—
HAHA. Natuwa lang ako, e. :)))))
Alam ko namang 1987 ang constitution, e. Haha. XD Kkkkkk. Share lang.

Wednesday, November 21, 2012

Sorry for my recent posts; 21 Nov. 2012

This post is translated to English, from Filipino. ^_________^

I have to apologize to my readers, if my posts are mostly in Filipino, and are mostly about my observations, and opinions about society. It just makes me sad that few people are able to notice what is happening around us. They don't care about what is happening. They don't care as long as they are not affected. Some, do not even want to care. Even if sometimes, they also get affected.

It's just right that we should mind our own business.
But, have you tried thinking about other things, other than yourself? Have you thought about the people around you? Have you tried to observe? Open your mind, about such concerns?

How sad. What is happening in our society? People, think only of their own interests. :|

I hope you, guys, understand what I mean. Haha. Again, my apologies. ^___^v



------

Original post in Filipino:


Pasensya na sa mga friends ko sa Fb, kung puro status ko about sa observations, and opinions ko sa society.
It's so sad kasi na few people are able to notice what is happening around us. Walang paki-alam sa mga nangyayari. Basta di sila aff
ected, they don't care. Or some, do not even want to care. Kahit na minsan, ay nagiging affected din sila.

Oo nga, mind your own business.
Pero, natry mo na bang isipin di lang ang sarili mo? Kundi, ang mga taong nasa paligid mo rin? Natry mo na bang magmasid? Buksan ang isipan ukol sa mga bagay-bagay?

How sad. Anong nangyayari sa paligid natin? Puro pangsariling interes. :|

Sana gets nyo? Haha. Again, pasensya na po. ^____^v


http://www.youtube.com/watch?v=c-QNpHlc33Y

Mahirap ngunit Masikap


Pagpa-uwi ako galing eskwela.. Araw-araw, nadadaanan ng bus yung lugar na yun. Lagi kong nakikita yung matandang babae dun. Lola na sya.
Naiisip ko minsan, iniwan kaya si lola dun? Inabandona? :(

Natouch naman ako dun sa lalaking nagbigay sa kanya ng isang styro na puro siomai. Yung itsura kasi ng lalaki, akala mo may masamang gagawin dun sa matanda, pero mabait pala. 

Totoo itong kasabihang 'to: Dapat di natin hinuhusgahan ang mga tao, base sa mga panlabas nilang anyo. ^________^
--

Dahil sa mga observations ko lately (read my previous statuses kung di nyo alam. :P), nakaka-inspire talaga ng sobra ang mga taong nagsisikap. Yung mga taong kahit nahihirapan, iniwan, pinababayaan, ay nagsisikap pa rin para mabuhay. Nakakatuwa kasi, kahit yung iba ang hirap ng trabaho nila, nakangiti, at parang di sila napapagod.
:')

Kaya nakaka-inis ang mga taong di sila naa-appreciate, o kaya naman grabe kung i-degrade sila. As if kagustuhan ba nilang maging mahirap? Buti nga, e nagsisikap.

Kaya sana talaga matupad yung plano ko this December.
Maliit na bagay lang yun kung tutuusin. Medyo nahihiya pa nga ko, e. Haha. Plano ko nga, every quarter ng isang taon, pero syempre, estudyante palang ako. ^___^v

--
Sana gets nyo kung anong ibig kong sabihin. Haha.

--
canlkcasnlacnaklca
//observations
//opinion
//random
//oo na mahaba

Monday, November 19, 2012

Mahirap Ngunit Marangal


Mahirap Ngunit Marangal


Nakakatuwa yung mga nagbebenta na umaakyat sa bus. Kasi nagsisikap silang umakyat ng bus, para lang makabenta, at magkaron ng pera. Di lang yung mga naakyat sa bus, kundi yung mga naglalako rin ng mga kung anu-ano sa mga bangketa, at kung saan man..
Di ko na mababanggit lahat ng trabaho, basta ang tinutukoy ko yung mga di nagtatrabaho sa opisina. Ang tinutukoy ko ay yung mga nagtatrabaho sa kalsada, o kung saan man na talaga namang kahit mainit, o/at mahirap ay nagsisikap.

Sana gets nyo? Haha.

Nakakatuwa yung mga taong nagsisikap talagang magkapera. Tapos ang mga paraan nilang ginagawa, hindi yung masamang paraan. Hindi yung "easy money" kung tawagin ng iba. Ang trabaho nila ay ang trabahong mahirap. Yung tipong, maliit man, ang perang nakukuha, ay matatawag na trabahong marangal. 

Nakakatuwa talaga, at nakaka-inspire. :')
Dapat maging thankful tayo sa kung anong meron tayo. Hindi yung bibili tayo ng pagkain, tapos di uubusin. Nakaka-inis kasi yung mga taong ganun. Di ba nila alam, na ang iba ay umaasa sa tira nila, yung iba nagpapakabilad, at nagpapa-usok para lang magkaron ng makakain?

Lesson: We should be very thankful for every little thing. We should not waste, because some are wishing that they have what we have.
:')
--
adjawdjaldjlawd
Wala lang..
//observations
//random thought

Friday, November 16, 2012

Tanga-tangahan sa loob ng tren


Tanga-tangahan sa loob ng tren
Naiinis ako sa sarili ko kaninang umaga..
May mama kasi, as in manong sa pang-all female area, elderly, pregnant, disables, at sa may mga dalang bata kanina sa tren.
Yung tipong kunwari tanga lang ang peg ni manong!
Manyak, ee. -________-
Nakita ko na, pero di ko sinabi sa guard.

I think, yun ang problema sa maraming mga tao. Nakikita na nila ang mali, pero di naman nila pinapansin. Baka nga, wala silang kasalanan, pero nagkakaron din ng kasalanan, for ignoring such things, and doing nothing. Nagkukunwaring tanga, bulag, bingi, at wala lang nangyari, o nangyayari.
———-
adjlwjallakdka;dka;dka
Opinyon ko lang.
Next time. Lalapitan ko na yung manong, pag may nangyaring ganun ulit. -__________-
Pati yung guard!!

Wednesday, November 14, 2012

Reaction on this AMALAYER thing-y

What is AMALAYER?

View video on Facebook:
http://www.facebook.com/photo.php?v=4554602298491

Read more about it here:
http://ph.news.yahoo.com/-amalayer-trends-on-twitter--what-was-it-all-about-.html

~~~~~~~
DISCLAIMER: This post is in Filipino. Anything on this post are pure opinions, and reactions of the blogger. Respect begets respect. This is my opinion, I hope you guys will respect it. Thank you~

-------------

Di na ko sobrang nagulat dun sa "AMALAYER" video. I mean, oo nga, di ako madalas makakita ng mga ganyang eksena. Pero syempre, di natin alam ang buong storya. Sa buhay kasi, di maiiwasan ang mga ganyang pangyayari. Yung iba lang di navvideohan. Syempre may dahilan din kung bakit nagalit ng bongga si ate, kay ate guard. Pero syempre, may mali rin sya. Para saken pareho silang may mali.

Kasi kung m
ay nagawa sa kanya si ate guard, di naman dapat na ganon nalang ang i-ugali mo. Especially sa isang public place. Kahit na sabihin mo na sobrang kataas ang pinag-aralan mo, na mas mataas pa talaga kay ate guard, di naman tama na ganun ang i-asta mo. Get?

Yung kay ate guard naman, baka naging sobrang agresibo, o maangas din ang dating nya kay ate. May ibang guard kasi na ganun, e. Kaya di rin masisisi kung nagsuper rage si ate. Baka sobrang problemado ni ate, tas ginanon pa sya ni ate guard. Get?

--
Pero syempre opinyon ko lang naman ang mga ito. Di ko rin naman alam ang mga pangyayaring buo. I just made observations base dun sa mga napanuod ko.
--
jadildjwljdadkawa

Monday, November 5, 2012

Bukas: Unang araw sa unang 2nd sem



Bukas: Unang araw sa unang 2nd sem


Pipilitin ko na namang makatulog ng maaga bukas. Bago iyon ay ihahanda ko na ang gamit ko.
May pasok na ulit kami bukas.

Ang thrill, at kaba ng first day ko nung 1st sem, ay bumabalik sakin.
Hinatid pa nga ako nun ng aking tatay. Memorable ang first day ko bilang kolehiyo.
Sobrang kaba ko, dahil baka mawala ako nun sa loob ng UE, at ma-late. Yung tipong, naiisip ko na first day na first day, late ako? Edi ampanget ng impression sakin kagad. Buti naman ay di ako na-late. :p

Parang kelan lang ay nagsimula ang sembreak..

Pero bukas, ang USOK. Usok usok usok!! Ang ingay! Ang busina ng mga sasakyan, ang mga kaskaserong drayber, ang mga taong nag-uunahan, ang mga taong nakapila para makakuha ng ticket ng tren, ang basura, ang dumi, ang mga makukulit na tao sa kalsada.. 

Ang mga kablockmate ko, na alam kong madaragdagan.. Ang mga kapwa ko estudyanteng naka-uniporme, ang mga guard, ang mga prof.. 

Makikita ko na naman ulit sila bukas..
Kita-kits. :))

Saturday, November 3, 2012

2 Nov. 2012 convo with mom

This post is in Filipino! Peace guys! ^^v
~~~~~~~~
2 November 2012~


Eksena kanina..
Nagddrive si tatay papunta kaming somewhere. Nakita ko yung billboard ni Woodward sa EDSA.

Ako: Ma! Yung nasa pangatlong yung lalaki dun sa dulo taga-school yun, e.
Mama: Ah. Anong pangalan?
Ako: Varsity sya sa school, tas next year ata maglalaro na para sa UAAP.
Mama: Ano ngang pangalan?
Ako: Jeremy Woodward.
Mama: Matangkad?
Ako: Opo. Varsity yun, e. Tas half-British, half-Pinoy ata.
Mama: Mas matangkad sayo?
Ako: Opo. Ang tangkad kaya nun.
Mama: Edi dapat iboyfriend mo yun kasi mas matangkad sayo! Hahahaha!
Ako: Yikes. O O

--
I'm like dkadkaokdao;kd;ka;kd
Wala share lang. Hahahahaha. Natuwa ako, e? Chos~
Peace yo~